04/06/2026
π’ MAHALAGANG ABISO MULA SA TRIPLE J INTERNET SERVICES
Bilang bahagi ng patuloy naming pagpapaganda at pagpapahusay ng aming serbisyo, nais po naming ipaalam na naibalik na ang aming automated billing system na kusang nagdi-disconnect ng internet connection kapag hindi updated ang bayad ng account.
Kung sakaling ma-disconnect ang inyong internet kahit kayo ay nakapagbayad na, mangyari lamang po na mag-message agad sa aming page o bumisita sa aming opisina upang agad namin itong maayos.
Lubos po kaming nagpapasalamat sa inyong patuloy na pagtitiwala at suporta sa Triple J Internet Services, lalo na sa mga bagong kliyenteng nag-avail ng aming FREE INSTALLATION PROMO. Dahil sa inyong napakagandang pagtanggap, mabilis pong naubos ang mga available slots at mahigit kalahati na ng mga approved installations ang aming matagumpay na naikabit.
Maraming salamat po sa pagpili sa Triple J. Patuloy po kaming magsisikap na maghatid ng mas mabilis, mas maaasahan, at mas mahusay na internet service para sa inyong tahanan at negosyo.
Triple J Internet Services
βConnecting Communities, Empowering Lives.β
βKay Triple J, Konekted ka!βππ