01/07/2023
Marami na agad akong nakitang pictures online ng bonggang prod opening ng It’s Showtime sa Gtv and that is good for them with madlang pipol while E.A.T 🤗 of at chose to begin with an intimate, smaller pilot episode which is endearing to us, their loyal Dabarkads for the last 44 yrs.
I chose to support dahil nung panahon na wala pang kahit anong technology at wala pang gaanong distraction at papuntang colored tv pa lang kami nun, sila na ang kasama namin tuwing tanghalian na nagbibigay ng isang libo’t isang tuwa.
They bring nostalgia, good memories and they are family. Kahit narinig mo na dati ang ibang jokes pero kung bumanat ay bigay na bigay pa rin sa delivery, matatawa ka pa din kasi ganoon naman talaga ang buhay… simpleng mga bagay lang naman talaga ang magpapasaya sa atin.
Congrats sa lahat ng noontime show lalo na sa TVJ at Legit Dabarkads.
Sayang nga at nalubog sa baha yung picture namin ng Kuya ko nung mga bata pa kami, nakuhanan kami na EAT BULAGA ang makikita sa black and white tv naming naka-bukas (yung nakapasok pa sa parang cabinet).