31/05/2024
Good news! need to share mga KaSaka!
Magandang balita mula kay President Ferdinand Marcos Jr. at sa DoTr!
Simula June 1, ipapatupad ang Agri-Trucks Toll Rebate Program, na babawasan ang toll fee na babayaran ng mga accredited truckers ng DA.
Sa kasalukuyan, mahigit sa 950 truckers ng agricultural products ang makikinabang sa toll fee rebates na ipamimigay!
Para sa mga gumagamit ng SMC Tollways-operated toll roads, ang average rebate ay nagkakahalagang P2 hanggang P30. Para naman sa MPTC-operated expressways, ang rebate na makukuha ay nasa P16 hanggang P156. Naka-depende po ang halaga sa distansya at vehicle class.
Malaki ang maitutulong nito sa presyo ng pagkain gaya ng bigas, mga gulay, isda at karne.
Salamat po sa mga operator ng iba't ibang tollways sa Luzon sa pakikiisa sa inisyatibang ito: ang Manila Cavite Expressway, North Luzon Expressway, Subic Clark-Tarlac Expressway, Muntinlupa Cavite Expressway, at South Luzon Expressway.
Ang programang ito ay isinusulong ng DA, Toll Regulatory Board, Department of Finance, at Department of Transportation. Upang maging kwalipikado sa exemption na ito, tiyaking kayo ay accredited ng DA at mayroon kayong valid Autosweep and/or Easytrip RFID accounts.
Nananatili ang dedikasyon ng DA upang pababain pa ang presyo ng ating agricultural products at palakasin pa ang suporta sa ating mga magsasaka at mangingisda.