20/05/2025
ANG BUHAY AY HINDI KARERA..
Totoo..
Pero may finish line.
Hindi pabilisan.
Bagkus paramihan ng natutunan..
Walang problema kung mabagal,
Basta umuusad..
Wag lang paatras ang pagtakbo,
kasi magmumukha kang tanga..
Kung may gustong mauna, hayaan mo syang mauna..
Huwag kang mainggit at subuking harangan ang daraanan nya, o di kaya ay hilahin sya pabalik.
May kanya kanya tayong "pacing" na tinatawag.
May kanya-kanya tayong Timeline kumbaga.
Dapat kilala mo rin ang sarili mo..
Para alam mo kung anung pacing ang kaya mong sabayan..
Kung maaari, subukan mong palakasin ang baga at mga binti sa kada araw na lumilipas.
Pagdating ng panahon na bumilis ka na din,
Sana huwag mong kalimutang ibahagi ang mga sikreto at natutunan para sa mga nagsisimula pa lang maglakad..
Para sa mga naghahanap pa lang ng mga sagot sa mga katanungan ng buhay...
Tandaan mo kaibigan, kapatid, kabaro,
"Mas magiging makabuluhan ang pagdating mo sa finish line kung maraming nakangiting sumusunod sa likuran mo..".