02/02/2026
BANYO REVIEW: Greenbelt 3 – Pangmayamang Comfort Room
Kung may tinatawag na designer restroom, ito na ’yon! Matatagpuan sa loob ng Greenbelt 3, na kilala sa mga luxury stores, kaya hindi rin nagpahuli ang CR nila sa level ng karangyaan.
✨ Disenyo at Estilo:
Modern luxury ang peg — malilinis na linya, muted na kulay, at kombinasyon ng marble at wood finish. Ang ilaw, hindi masakit sa mata pero nagbibigay ng hotel feels. Yung black accents sa ceiling? Panalo, nagbibigay ng contrast at depth sa buong space.
🧱 Materiales at Detalye:
Hindi tinipid — marble countertops, matte wall panels, at accent lighting sa urinals. May mga bulaklak pa sa countertop, pang aesthetic points! Pati yung waiting area na may upuan at salamin, parang lounge sa spa — perfect mag-ayos o magpahinga saglit.
🚽 Linis at Gamit:
Malinis, maayos, at well-maintained. Walang amoy, walang talsik, at mukhang regular ang maintenance. Yung fixtures mukhang bago pa. May vibe na “dito mo gustong mag-retouch, hindi magmadali.”
💡 Overall Impression:
Sakto sa imahe ng Greenbelt — classy, elegant, at hindi basta-basta. Hindi lang siya restroom; isa rin siyang part ng luxury experience.
Rating: ⭐️⭐️⭐️⭐️⭐️ (5/5)
Verdict: CR pa lang, sosyal na. Pwede kang mag-mirror selfie nang hindi nahihiya. Greenbelt-level cleanliness and style!