31/10/2026
📉 BAGSAK NA NAMAN ANG PISO LABAN SA DOLYAR! 🇵🇭💵
Nakakaalarma na ang sitwasyon ng ating ekonomiya. 😔
Para sa maliliit na negosyante, bawat pagtaas ng dolyar ay dagdag na pasanin. Tumataas ang puhunan, materyales, shipping at iba pang gastusin, pero hindi naman basta-basta puwedeng magtaas ng presyo dahil hirap na rin ang mga mamimili.
Paano na kaya ang maliliit na negosyanteng Pilipino?
Paano natin mapapanatili ang abot-kayang presyo habang patuloy na tumataas ang gastos sa negosyo?
Sa mga tulad naming maliliit na negosyante, hindi lang ito numero sa palitan ng pera. Ramdam ito sa bawat order, bawat puhunan at bawat pisong kailangang pagkasyahin para patuloy na makapaghanapbuhay.
🇵🇭 Ano na ba ang nangyayari sa Pilipinas?
Hanggang kailan kailangang mag-adjust ang maliliit na negosyante at ordinaryong mamamayan?
Sana ay magkaroon ng mga konkretong solusyon upang mapagaan ang buhay ng mga Pilipino at masuportahan ang maliliit na negosyo.
Mga kapwa negosyante, ramdam n’yo rin ba ang epekto nito? Comment down below. 👇