07/01/2022
Kung kaya niyong tumulong ay tumulong po tayo...
Read this..
100 ko naging 10k.
During Pandemic 2020,umaga mga 9am,may isang matanda na dumating sa amin at hinahanap ang aking biyanan(Kapitan ng Brgy.) na wari ko'y may matinding pangangailangan. Ngunit ang masama nito ay wala ang aking biyanan sa bahay dahil may pinuntahan ito kaya sinabi ko agad sa matandang lalaki na wala si Ama. Kaso sabi nito,maghihintay daw siya kahit matagal. Siguro mga isang oras at kalahati ay nainip na ito at aalis na dapat...
Kaso para bang akoy naawa kaya tinanong ko ito kung anu ba ang sadya. Ang sabi ng matandang lalaki ay manghihingi daw siya ng tulong kay Kapitan para pambili ng gamot kasi ubos na raw ang kanyang pang maintenance na gamot.(pandemic really hits us all).Kita mo sa itsura nito na nagsasabi ng totoo at mukhang hinang hina ito(bakas ang pagod sa mukha ni Lolo)
Akoy hindi mapakali,kasi meron akong buong isang Daan sa bulsa that time na sabi ko hala eh walang barya siguro kahit 20pesos pwede na kaso buong isang daan(nagtatalo ang isip at puso ko) Ibibigay ko ba ito eh ito lang pera ko ngayon,last money kumbaga .(sabi ko may darating pa naman sigurong buyer ng halaman mamaya,yun po kasi raket ko that time). Hindi ako makakamove on kapag umalis si Lolo na wala man lang bitbit. Kaya imbis na 20 Pesos,ibinigay ko ng lahat. Kasi sabi ko tutulong na rin naman,sagad na. Bahala na. Hahaha
So yun na nga. Umuwi na si Lolo. Tuloy ang buhay. Happy naman ako kasi medyo naging mabuti akong tao sa part na yun na alam ko maliit na halaga yun pero yung pasasalamat ni Lolo at ngiti niya ay nagpaganda ng araw ko.
Kaso may hindi ako inaasahang mangyayari nung araw na iyon. Bandang hapon mga 2pm ay may dumating akong buyer ng halaman(Walk-in). Na halos pakyawin ang mga halaman ko,mapapapanget at magaganda ay binili niya. First time ko makabenta ng ganun kalaki na sarili kong halaman ang nabili. Tuwang tuwa ako kasi halos 30mins lang ay nakabenta ako ng ganun kalaki.
Nung umalis na yung buyer,syempre nagpahinga kami kasi napagod paghahakot ng mga halaman. Tapos bigla kong naalala si LOLO nung umaga. Sabi ko hala Ian(tauhan ko sa halamanan),di ba kaninang umaga yung isang daan ko ay binigay ko sa matanda,tignan mo yung benta natin(Binilang namin kasi bebentehen at 50's na papel ang binayad nung Buyer),nagulat ako kasi umabot ng PHP 10,520 lahat lahat ng benta. Sa Tuwa ko ay binigay ko yung putal na 520 sa tauhan ko(Pabunos ni Mayor,hehe). Kaya ang natira sakin ay PHP 10,000 sakto.
Bigla kong na realized na x100 yung binalik sakin ni Lord. Ako ay napatulala at napangiti. Sabi ko sa sarili ko,Ang galing hala? Kapag pala nagbibigay ka,wag kang maghintay ng kapalit,wag mong asahan na may babalik,Yun palang mabubuting gawa mo ay nakikita ng Panginoon. Siya na ang bahalang magbabalik nito.
Lesson: Giving is an Opportunity. Kung meron ka at kaya mo.Give.
Sabi sa 2 Corinthians 9:7
"Every man according as he purposeth in his heart, so let him give; not grudgingly, or of necessity: for God loveth a cheerful giver."
Totoong totoo ito. Lagi itong binabanggit ng Pastor namin at isa ito sa verse na paborito ko.
I shared this kasi natuwa lang ako sa experienced na ito. I gave wholeheartedly and God returned it unexpectedly. Lagi tayong magpasalamat kapag nakakapagbigay tayo kasi maraming gustong magbigay kaso walang kakayahan. Gawin na natin itong bisyo.
PS. Sabi ko pa nung sana kasama ko sa halamanan,dapat pala 200 binigay ko kay Lolo baka 20k benta natin. Haha,pero joke lang po iyon. Masama po ang ganid. Hahah
Thank You God.
-Boss B