20/11/2022
Food for the Day by Brando Ceneta
November 21, 2022
Sad!
Colosas 3:1 Sa wakas, mga kapatid, magalak kayo sa Panginoon.
S.A.D- meron palang literal meaning hindi lang malungkot kundi "seasonal affective disorder" kung saan ang kalungkutan ay dumadating o nadarama ng seasonal kumbaga sabi ng iba "may sumpong ". Maaaring naaapektuhan ng pangyayari pero ang lungkot ay sanhi ng oras o panahon ng lumabas ito. Ngayong araw, nakadama ako ng lungkot dahil feeling ko di ako effective as a leader, I feel weak at minsan I feel alone. Nakaka-sad! Kaya nga ang encouragement sa atin ng salita ng Lord ay magalak dahil ang lungkot ay nadarama sa ayaw at sa gusto mo, in season or out of season. Sabi sa Isaias 61:10, “Buong puso akong nagagalak kay Yahweh. Dahil sa Diyos ako'y magpupuri sapagkat sinuotan niya ako ng damit ng kaligtasan, at balabal ng katuwiran.”
Kung darating talaga ang lungkot, meron namang dahilan para maging masaya lalo na sa piling ng Diyos. 2 Corinto 1: 3 ang Diyos ang pinagmumulan ng lahat ng kaaliwan. Talatang 4, ito ay dapat makita at maipasa naman natin sa iba, Talatang 5, kung gaano kadami ang dahilan para malungkot, ganon din kadami ang dahilan para maging masaya sa buhay kasama ang Lord. Maging masaya ka kapatid sa tulong ni Lord to live longer. Sa kawikaan 17:22, “Ang pagkamasayahin ay mabuti sa katawan, at ang malungkuti'y unti-unting namamatay.” Aba, teka, mahirap na kapatid, "rejoice in the Lord always." Cheer up! Me ibig sabihin din pala ang SAYA- Stay Appy You Always. Basahin din ang Habakkuk 3:18-19; 1Pedro 4:12-13.
Panginoon, salamat po, kayo ang source ng lahat ng pagpapala kasama na ang saya. Patuloy nyo kaming aliwin. Amen.
Q2P:
Kapag sad ka, paano mo nararanasan ang kasiyahan at kaaliwang mula sa Lord? Paano mo din ito naibabahagi sa iba?