18/04/2023
Sa lahat ng mga tao na sumuporta mula umpisa hanggang ngayon, maraming salamat!
Alam ko, hindi man katulad nung dati na todo ang suporta mo gawa na din ng kanya-kanya natin responsibilidad sa buhay at hindi na natin magawa sumuporta katulad dati, dahil kailan mo din unahin muna ang importanteng bagay para sa Pamilya mo, gusto ko lang magsabi na, muli, maraming salamat!
Sa mga tao na tahimik lamang pero nakasuporta at patuloy naniniwala sa kakayahan ko, maraming salamat!
Sa mga tao na hindi man ako lubos na kilala ngunit nagtitiwala, naniniwala at sumusuporta, maraming salamat!
Sa mga tao na ngayon pa lamang ako nakilala pero buong puso na ang tiwala, maraming salamat!
Malayo pa man sa pangarap, pero hindi hihinto at magpapatuloy kahit mahirap.
Kaya muli, sa simpleng suporta mo para magpatuloy, maraming salamat!
---
Kung gusto mo i-tag yung tao na gustong gusto mo pasalamatan. Tag lang, malay mo kailangan din niya ng mga salita na ito mula sa'yo.