11/05/2025
MAKING A HISTORY
Alhamdulillah, our Mudd Nabawi has came to life in our home land, isang bagay na maipagmamalaki natin habang buhay, maging sa kabilang buhay.
Hindi man tayo ang kauna-unahang nagkaroon nito sa Pilipinas, ngunet Alhamdulillah, sa tawfeeq ng Allah at sa tulong narin ng mga kapatid natin; ay masasabi natin na tayo ang kauna-unahang nagpakilala at nakapag introduce sa Sunnah na ito dito sa Pilipinas.
Matagal na akong naghahanap ng pweding makagawa nito, halos tatlong taon na, nakipag ugnayan din ako sa mga taga China ukol dito, ngunet hindi nila tinanggap.
Nakipag ugnayan rin tayo sa pagawaan ng Mudd sa Pakistan, ngunet wala silang tugon.
(Nov. 12 - 2024)
Hanggang sa nag volunteer ang ating mahal na kapatid na si Engr Pamikiren, at nakagawa nga siya ng 50 pcs nito.
Aking maipagmamalaki na ang kauna-unahang Mudd na gawa sa Pilipinas ay siya ang gumawa, Allahu Akbar, at ang kanyang gawa ay mas accurate pa ang measurement kaysa gawa sa Madinah, Alhamdulillah.
Ito ang tinawag nating EP MUDD, ang E ay for Engr, at ang P ay Pamikiren.
Ayaw niyang banggitin ko ito, ngunet (patawarin nawa ako) sapagkat kailangan kong banggitin, dahil kabilang ito sa History natin.
Pagkatapos noon ay marami ang demand ng mga kababayan, nais din nila magkaroon nito, ngunet sa kasamaang palad ay abalang abala sa ibang trabaho ang manggagawa ni Engr.
Kaya si Shaikh Samir Ibrahim nanaman ang nag-volunteer at sumubok na gawin ito, isa siya sa magagaling na estudyante ko.
(Dec. 30 - 2024)
At nakagawa nga siya ng ilang peraso, hindi gaano karami dala ng kakulangan sa gamit at mahina ang koryente sa lugar nila.
Ang kanyang gawa ay tinawag nating SS MUDD, ang Unang S ay Shaikh, at ang pangalawa ay Samir.
Ang kanyang nagawa ay tulad rin ng una, gawa po sa Metal, at hindi tulad ng sinasabi ng iba na ito ay delata lamang, gabayan nawa sila ng Allah.
(Feb. 24 - 2025)
Pagkatapos non ay nakilala ko ang isang magiting na Shaikh, isa sya sa mga estudyante ng namayapa nating M***i Shu'ayb Abedin, at bilang tulong sa pagpapalaganap ng Sunnah, siya ay nakipagtulungan at gumawa ng Mudd na yari sa Stainless Steel.
At ito ang tinawag nating S.A. MUDD, sumisimbolo sa kanyang pangalan: "Shaikh Anwaroddin". At mayroon din siyang nagawa na yari sa Stainless Mirror.
جزاهم الله خير الجزاء في الدنيا والآخرة.
Ano nga ba ang Mudd?
Ang Mudd Nabawi ay Historical Islamic Measurment na may natatanging sukat at desinyo, ito ang ginagamit ng Propeta (pbuh).
Just as we have litres, gallons and other containers to measure volume, the Mudd were used in the era of the Prophet Muhammad (pbuh).
It comes with official and authentic certificate so you trace it down to a chain mentioning names of those to whom it has been passed through generations, verifying its authenticity and legitimacy.
Ang Mudd ay ginagamit ng Propeta (pbuh) sa:
1. Pagsasagawa ng Wudhou'. Isang Mudd ng tubig ang nagagamit ng Propeta (pbuh) sa pagsasagawa ng Wudhou', at apat na Mudd naman sa pagligo.
Note: Ang apat na Mudd ay katumbas ng isang Sa'.
2. Ito rin ang ginagamit sa pagbibigay ng Zakatul Fitr. Apat na Mudd na pagkain (Rice, Dates, etc) para sa bawat Muslim.
3. Ito rin ang ginagamit sa pagsukat ng Kaffarãt sa pagsumpa.
Halimbawa: Ang isang Muslim ay sumumpa na mayroon siyang gagawin, ngunet hindi niya ito nagawa.
Ang kailangan niyang gawin upang hindi magkasala ay magpapakain ng sampong mahirap, magbibigay siya ng tagdadalawang Mudd na pagkain para sa bawat isa sa kanila.
Kung wala siyang maipapakain dahil isa rin siyang mahirap, mag-aayuno siya ng tatlong araw.
4. Gayon din sa Fidyah sa pag-aayuno.
Kung ang isang Muslim ay maykatandaan na o may malubhang sakit na walang lunas, maaaring hindi siya mag ayuno, ngunet kailangan niyang magbigay ng Fidya kapalit ng bawat araw na hindi niya napag-ayunuhan.
Dalawang Mudd para sa bawat araw.
5. Maaari din ito gamitin sa pagsukat ng Zakat ng mga bunga ng mga pananim, tulad ng palay at mais.
Ang kahalagahan ng Mudd:
Una: Ito ay Sunnah ng Propeta (pbuh) na dapat nating tularan, at nakakalungkot na karamihan sa mga Muslim sa panahong ito ay hindi alam ang tungkol dito.
Pangalawa: Ipinag-du'a ng Propeta (pbuh) na gawaran ng biyaya at Baraka ang sinumang gumagamit nito.
Kanyang sinabi:
"اللهم بارك لنا في صاعنا وفي مدنا." رواه البخاري.
"O Allah, gawaran mo ng biyaya (Barakah) ang aming Sa' at Mudd." [Isinalaysay ni Imam Bukhari].
Isapa; paano mo maisasagawa ng tama ang mga nabanggit na alituntunin sa itaas kung wala kang Mudd Nabawi?!
Gusto mo magkaroon ng Mudd? Mag inquire ka sa Jr's Collections , kung papalarin kang maka avail nito ay may kasama pang Shahadat Ijaza o diplomang nagpapatunay ng pagka legit nito, ito mismo ang sukat at desinyo na ginamit sa panahon ng Propeta (pbuh).
✍️ Dr. Muhd-ata Abdulkarim