22/05/2024
It's tempting to find short cuts in Construction para makuha ang cheapest price.
Copying drawings and foregoing professionals. Kapag nagyabang ang friend natin na pinagawa lng yan sa foreman. $X Million lng yan.
Sandali lang.
Php X Million mo pinagkatiwala mo sa foreman?
Hindi makaila, marami naman chumamba. It's expected na someday papalya din yan.
It's the risk you are taking.
Sa pagpapatayo ng bahay ang first na dapat gawin ay maghire ng Architect for the Design and Civil Engineer for the structural.
Bakit? Dahil sila ang mas nakakaalam ng computation ng space, lot requirements and load dahil hindi po lahat ng design na makikita natin sa internet ay suitable sa lot area natin.
Wag magpapaniwala sa sinasabi ng iba na kumuha nalang ng foreman, mason at laborers para itayo ang design na gusto mo.
Siyempre sasabihin nila kaya nila kasi gusto nilang kumita, pero kapag dumating ang panahon na masira ang bahay mo, hindi mo mahahabol ang mga yan since wala namang warranty ang pinagawa mo sa kanila.
Isipin niyo, bakit may ibat ibang design ng rebars?
Sabihin na natin, nakamura ka nga sa labor cost dahil hindi ka kumuha ng professionals.
Always remember your goal. Magtayo ako Ng Bahay para matirhan, Hindi para magtipid at sa huli gumastos ng mas malaki.
Pagdating ng panahon marerealize mo na mas malaki pa pala nagastos mo compared kapag kumuha ka ng professionals sa construction.
Trust your professional. One time ka lang paggawa, one time cost and effort.
Build it right.