04/08/2022
Tanging si Hesus lang ang nag-iisang Diyos at Tagapagligtas na kayang magpatawad, magligtas, magbigay ng bagong buhay, at maging daan upang tayo'y mapalapit sa ating Ama sa langit. Sa Kanya, buhay mo'y ialay upang kapangyarihan ng pag-ibig Niya'y iyong maranasan.
Sa simpleng panalangin, buhay mo'y Kanyang babaguhin.
"Panginoong Hesus, inaamin kong ako'y makasalanan. Hindi ko kayang baguhin at linisin ang aking sarili. Naniniwala akong Ikaw ay Diyos at may kakayahang magpatawad ng kasalanan. Ikaw ay namatay sa krus at nabuhay muli upang ako ay magkaroon ng buhay na walang hanggan.
Patawarin Mo ako at linisin sa aking mga karumihang dulot ng aking pagkakasala. Patawad sa lahat ng pagkakataong hindi Kita kinikilala at pinaniniwalaan. Bigyan Mo ako ng pusong handang magpasakop sa 'Yo sa bawat araw. Tinatanggap Kita bilang aking Diyos at Tagapagligtas. Maghari Ka sa aking buhay, ngayon, bukas, at magpakailanman. Ito ang aking dalangin, sa pangalan Mo, Hesus, amen!"