26/08/2022
Just to clarify po sa post ng Simply David & Jen... Lilinawin ko lng po issue na sinasabi nya regarding sa refund.
Month of March nagmine po si customer sa live selling ni Ms. Jen ( hindi ko na po babanggitin ang name). Yung plant po na namine nya ay verrucosum sa halagang 1K. Nagbayad po sya samin noong March 19,2022.. Naadvice po si Ms. Jen na hindi muna ippaship ni customer ang halaman.. Hanggang sa nakatanggap po ako ng message sa kapatid ni Ms. Jen August 14, 2022 na nag message dw po sa kanila si customer. Almost 5 months po.. Nag message nadin po samin si customer.. Gusto nya po irefund yung binayad nya ang sagot ko po hindi ko po marerefund pero papalitan ko po yung halaman kung ano po ang namine nya huwag lang po kami madaliin. Alam naman po ng nghahalaman na ang Verrucosum ay maselan at isa po sa namatay yung halaman ni customer. Sa ibang garden forfeited na po yun sa tagal na hindi nila pagkuha pero kami willing po na palitan huwag lang po kami madaliin.
Hindi na po sana kami magpost dahil pwede naman pag usapan ng pribado pero kailangan din po namin maipaliwanag ang side namin.. Tinatawagan ko po si Ms. Jen pero hindi nya po sinasagot tawag ko.. Mag message na lng dw po ako.. Sa tagal din po namin na naglive selling ni isang miner wala pong nagpost samin.. Alam po yan mga miner namin yung iba may halaman po dito pero nakikipag usap po samin at hanggang ngayon alaga padin namin. Ito na po yung huling salita namin tungkol sa issue na ito.