24/05/2026
Sa mga ganitong proyekto, napakahalaga na sundin ang tamang plano lalo na sa Structural Design dahil ito ang nagsisilbing pundasyon upang maging matibay, ligtas, at maayos ang isang gusali. Mahirap paniwalaan na walang isinagawang Structural Analysis sa ganitong kalaking proyekto dahil isa ito sa pangunahing requirements sa anumang malaking konstruksyon.
Kaya sa mga nagpaplanong magpatayo ng malalaking gusali, siguraduhing kumuha ng mga lisensyado at propesyonal na engineers at architects, at ipagkatiwala lamang ang proyekto sa mga lehitimong contractors. Ang pagtitipid sa kalidad at tamang proseso ay maaaring magdulot ng malaking panganib sa buhay at ari-arian.