06/12/2021
Nais ipaalam ng BSP na HINDI TOTOO ang kumakalat na social media posts na nagsasabing MAGIGING BARYA na ang 100-Piso na salaping papel.
Ilang Facebook users ang gumamit ng litrato ng isang lumang 100-Piso commemorative coin para manakot na nawawalan na ng halaga ang ating pera. Ang commemorative coin na ito ay inilabas ng BSP noong 2017 para sa ika-100 anibersaryo ng lungsod ng Muntinlupa.
Kalakip ng mga posts ang pang-uudyok ng iba’t ibang paraan ng pag-iinvest.
Bagama’t binibigyang importansya ng BSP ang pag-iimpok at pagpapalago ng pera, hindi nito suportado ang paggamit ng fake news para manghikayat ng publiko.
Muling pinapaalalahanan ng BSP ang lahat na maging mapanuri sa mga nakikita sa social media.
Para sa impormasyon ukol sa mga commemorative coins, sundan ang link na ito: https://www.bsp.gov.ph/SitePages/MediaAndResearch/MediaDisp.aspx?ItemId=6029