03/06/2026
Katatapos lang ng ulan sa Papa Tony's Garden, kaya perfect time na para sa pagrereplant!
Habang presko pa ang lupa at sapat ang moisture, abala tayo sa pag-aalaga at paglilipat ng ating mga halaman para mas lalo silang lumago at mamulaklak.
Nakakatuwang makita ang bawat halaman na unti-unting sumisigla matapos ang ulan.
Ang paghahalaman ay hindi lang libangan, isa rin itong paraan para makapagpahinga, makapag-relax, at makapagbigay ng buhay sa ating paligid.