Kabsat Farm

Kabsat Farm Collector of native, rare, exotic, endemic, endangered species, and temperate fruit bearing trees.
(2)

22/05/2026

HONEY MACOPA
vs YAMBO

Isa lang ang masasabi ko.

Tulad ng sabi ko noon, "Okay na ako sa Star Ruby Macopa."

Thank you, sir Ped. Nakatikim ako ulit ng kakaiba. Ang gusto ko sa Yambo, nakaka-in love ang bulaklak niya.
Thank you, sis Ross Ramos .

Minsan talaga, kusang dumadating ang grasya galing sa mga generous friends. 🙏🙏🙏 Ngayong araw, tatlong grasya ang dumatin...
20/05/2026

Minsan talaga, kusang dumadating ang grasya galing sa mga generous friends. 🙏🙏🙏

Ngayong araw, tatlong grasya ang dumating.

Avocado at yambo fruits galing kay sir Ped Unson.

Honey Macopa galing kay sis Ross Ramos.

Pawpaw seeds from sis Elany Torrano. (Sis Ross, yung isang pack, padala ko sa iyo bukas, courtesy of sis Elany)😍

19/05/2026

KARMAY
Nawawala na sa paligid kaya isalba natin ang kanilang lahi. Magtanim na tayo bago sila tuluyang maglaho.

18/05/2026

Parang puno na kalaki ang kanyang baging. Nonstop mamunga kaya ikaw ang magsasawa sa pagpitas.

Hindi ito mapait tulad ng wild tindora. Imported variety ito at lasang pipino din.

17/05/2026

JAPANESE RED DIAMOND GUAVA
Pag may over ripe sa mga bunga ng puno ko, kinakantahan ako ni husband: "Ako ang nakikita, ako ang nasisisi, ako ang laging may kasalanan." 😂😂😂

Maliit ang bunga ngayon, siguro dahil sobrang tigang ang lupa sa paligid.

15/05/2026

Tanim lang ng tanim, bahala na kung ano ang magiging bunga, kung pareho ba sa kinain mo o mag-iiba siya. Malay natin, makatsamba tayo ng bagong variety. Kabsat Farm

15/05/2026

Sabi ko kay sir Will, magdo-donate din ako ng scion sa persimmon group pag naparami ko na siya. Hindi ko ibebenta.

13/05/2026

Magkakaiba tayo sa panlasa.

Kung ang gusto mo ay matamis na walang asim, mag-Golden Queen ka.

Pag gusto mo ng perfect combination ng asim/tamis, kinalabaw na hinog ang tiyak swak sa iyong panlasa.

11/05/2026

Madaling buhayin, hindi maselan, masarap, kahit magkakatabi na itanim ay ayos lang dahil maliit lang na puno, at higit sa lahat, isa sa mga prutas na punong-puno ng Vitamic C.

Siyang dahilan kung bakit ako nag-collect ngniba't-ibang variety. Verman Reyes

Buhay probinsiya. Hindi alam ng taga-siyudad na nakakain pala ang murang bunga ng monggo. Nagimas, apow.
10/05/2026

Buhay probinsiya. Hindi alam ng taga-siyudad na nakakain pala ang murang bunga ng monggo. Nagimas, apow.

10/05/2026

Wala palang ka-effort-effort magpadami dahil madaling tumubo ang mga buto.

Address

Pozorrubio

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kabsat Farm posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share