05/03/2026
FYI
ππ‘π’π‘π π ππ ππ’π¦π§ ππ§ππ π¦ ππ‘π π ππππππ¦ π‘π π‘ππππππππ π¨π§ππ‘ π¦π ππ’π‘π¦π§π₯π¨ππ§ππ’π‘ ππ’π‘π§π₯πππ§π¦?
Maraming project ang nauuwi sa budget overrun o talagang nabibitin at di natatapos hindi dahil sa maling estimate kundi dahil may mga cost items na hindi naisama sa kontrata.
Kung ikaw ay contractor, owner, o nagpaplanong magpatayo, mahalagang malinaw ito bago pumirma.
1. PERMITS AT GOVERNMENT FEES
Hindi lang building permit ang babayaran. Maaaring may hiwalay na bayad para sa:
Barangay clearance
Excavation permit
Occupancy permit
Fire safety inspection fee
Madalas inaakalang kasama na ito sa contract price pero hindi pala.
2. TEMPORARY UTILITIES
Habang ongoing ang project, may mga gastusin tulad ng:
Temporary electrical connection
Rented Barracks or staging area kung masikip ang site
Temporary water supply
Generator rental
Kung walang malinaw na nakalagay sa kontrata, maaaring hindi ito kasama sa agreed price. BULAGAAN NA!!!
3. MOBILIZATION AT DEMOBILIZATION
Kasama dito ang:
Delivery ng equipment
Setup ng barracks at temporary facilities
Final site clearing at hauling ng debris
Hindi ito laging naka-breakdown pero may malaking epekto sa total cost.
4. SITE SECURITY AT SAFETY
Kasama ang:
Safety officer
Personal protective equipment ng workers
Safety signage
Security personnel
Ang compliance sa safety standards ay may katumbas na gastos.
5. SOIL TESTING AT PROFESSIONAL FEES
Maaaring hindi kasama ang:
Soil investigation
Structural design revisions
As-built plans
Consultant at professional fees
Kapag may pagbabago sa design o scope, may kaakibat itong dagdag na bayad.
6. PRICE ESCALATION NG MATERIALS
Ang presyo ng cement, steel, at fuel ay pabago-bago. Kung walang escalation clause sa kontrata, maaaring magkaroon ng hindi inaasahang dagdag gastos.
7. CHANGE ORDERS
Isa ito sa pinaka-karaniwang dahilan ng additional cost. Kapag may:
Additional works
Design changes
Upgrade ng materials
Automatic itong may katumbas na dagdag bayad.
PRO TIP
Bago pumirma ng kontrata, itanong:
Ano ang hindi kasama sa presyo?
Ano ang posibleng additional charges?
May escalation clause ba?
Paano ang proseso ng change orders?
Sa construction, hindi lang tibay ng pundasyon ang mahalaga kundi pati linaw ng kontrata. Mas mabuting malinaw ang lahat sa simula kaysa magkaroon ng problema sa huli.