03/11/2026
Roma 12:12
“Magalak kayo dahil sa inyong pag-asa, maging matiyaga kayo sa inyong kapighatian, at laging manalangin.”
Hindi nangangahulugan na kapag nagtitiwala tayo sa Diyos ay wala na tayong pagdaraanan na problema. May mga araw na mapapagod tayo, panghihinaan ng loob, at hindi agad makikita ang sagot sa ating mga panalangin.
Ngunit itinuturo sa atin ng talatang ito ang tatlong mahalagang bagay: manatiling masaya dahil sa pag-asang nagmumula sa Diyos, maging matiyaga sa gitna ng pagsubok, at huwag tumigil sa pananalangin.
Hindi man agad magbago ang ating sitwasyon, maaari tayong manatiling matatag dahil alam nating kasama natin ang Panginoon.
Ang pag-asa sa Diyos ang nagbibigay sa atin ng lakas upang magpatuloy, kahit hindi pa natin nakikita ang kasagutan.
Ngayong araw, huwag nating hayaang panghinaan tayo ng loob dahil lamang sa mga problemang hindi pa nalulutas. Patuloy tayong manalangin, gawin ang ating bahagi, at magtiwala sa Diyos. Huwag tayong sumuko dahil lamang hindi pa natin nakikita ang Kanyang sagot.Amen.
“Hope keeps us going, patience keeps us standing, and prayer keeps us connected to God.”
Tuesday Blessings. ❤️❤️❤️