23/05/2026
Yung natuwa ka kasi nag update si Boss M, akala mo nadagdagan, yun pala nabawasan.
Bakit ganon... ako lang ba ang nakaka experience nito, yung pag dating ng follow paisa -isa pero pag umalis parang isang buong barkada hahaha
But its ok, it's just a number,
Kaligayahan kong i share ang aking daily activities, yung journey ko hindi bilang isang content creator kundi bilang isang ordinaryong tao na mahilig mag ayos ng bahay at mag halaman.
Yung mag inspire na mga taong nakakarelate sa kapareho ng aking hilig.
Dahil ito ang aking kaligayahan.
Yung satisfaction ko sa outcome ng aking ginagawa, yun yung pinaka mahalga sa akin.
Bonus nalamang kung may magkakagustong panoorin ang bawat upload ko.
Sa lahat ng aking mga loyal followers dyan na pinipiling manatili sa aking munting tahanan,
MARAMING SALAMAT PO.
Bilang ganti ako man ay nananatiling naka suporta sa inyo, at makakasama nyo ako sa pag tawa sa mga kalokohan, papalakpakan kayo sa tagumpay, yayakap sa panahon ng kabiguan at kalungkutan magpapalakas ng loob pag pinaghihinaan na sa buhay.
Mahal ko po kayong lahatπ
γ