01/11/2025
⚠️ FOR AWARENESS LANG PO ⚠️
May pumunta po sa store namin kahapon (October 31, 2025) around 8:00 PM–8:45 PM at bumili ng candles.
Nagbayad siya ng ₱1,000 fake bill.
Naka-NMAX (matte green), around 26–35 years old, medyo mataba, maitim, at malaking lalaki.
Hindi po namin nakuha ang plate number o natandaan nang maayos ang facial features niya.
We welcomed and assisted him politely, pero hindi namin inasahan na gano’n ang mangyayari.
This is very sad kasi ilang araw at gabi din namin pinag-hirapan ‘yon. 💔
Yung ₱1,000 fake bill ay sobrang kahawig ng totoo, pero kapag tiningnan mo nang mabuti, mapapansin mong:
• Medyo maputla ang kulay ng papel kumpara sa tunay na ₱1,000.
• Walang texture o raised print (flat lang ang surface).
• Wala ring malinaw na security thread at watermark pag tinapat sa ilaw.
• Medyo makapal at parang ordinaryong bond paper ang texture.
Sa mga kapwa negosyante at may maliit na business, paalala lang po, always double-check ang pera na tinatanggap.
Mahirap man isipin, pero may mga tao talagang manloloko, kaya mas mabuting maging maingat.
Naghahanapbuhay kami nang maayos at matapat, at sana wala nang mabiktima pa ng ganitong modus.
This post is just to raise awareness and remind everyone to stay careful. 🙏