14/08/2026
Tag ulan, tama bang Hybrid Solar ang napili namin?
bago kami nagpakabit ng solar, ilang buwan ding pinag isipan at pinag aralan kung ano nga ba ang kailangan namin. hindi kase basta gusto lang ng solar eh larga na.
Hybrid ang napili namin kase may grid and battery, meaning nakakabit pa din kami kay Meralco pero may battery na nag store din ng energy na magagamit namin.
Ganito yan di ba may powerbank tayo for our gadget? Kami may powerbank para sa buong bahay na paggamit ng kuryente during night time. So sa gabi hindi namin kelangan gumamit ng meralco. Eh bakit pa kayo may grid? para may back up pa din.
so far naman kahit maulan hindi pa kami nakakagamit ng meralco. Ha? Pano? wala naman araw π€ may liwanag pa din kase, kahit papano nakakaharvest pa din kami, sapat sa mga appliances namin saka simula nagkasolar kami, alam namin kung kelan kelangan magtipid sa paggamit at kung kelan dapat gamitin ang mga gamit sa bahay para mamaximize si solar.