Corrine’s Garden Talisay, Batangas

Corrine’s Garden Talisay, Batangas Home of Quality Plants (Grafted and Budded)

07/02/2026

BABAENG PULIS, NAGPA-ANAK SA HARAP NG ISTASYON NG PULIS SA ALBAY

Isang kahanga-hangang kabutihang-loob at mabilis na pagtugon ang muling ipinamalas ng Philippine National Police (PNP) matapos tumulong ang isang babaeng pulis sa ligtas na panganganak ng isang ginang sa labas mismo ng Sto. Domingo Municipal Police Station sa Albay, gabi ng Pebrero 5, 2026.

Ayon sa ulat ng Police Regional Office 5 (PRO 5), kinilala ang pulis na si Police Master Sergeant Maricel Burzon, isang registered nurse, na agarang rumesponde bandang alas-7:30 ng gabi nang humingi ng tulong ang isang ina na hindi na makayanan pang makarating sa lying-in clinic dahil sa biglaang paghilab.

Ang ginang na residente ng Barangay Manila, Rapu-Rapu, Albay, ay isinakay na sana ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard upang madala sa pagamutan. Ngunit dahil sa mabilis na pagdating ng panganganak, napilitan silang dumiretso sa himpilan ng pulisya upang humingi ng agarang saklolo.

Sa tulong ng kaalaman ni PMSG Burzon sa larangan ng medisina, matagumpay at ligtas na naipanganak ang sanggol sa loob ng service vehicle na nakaparada sa harap ng police station. Matapos ang panganganak, agad namang isinugod ang mag-ina sa GDB Lying-In Hospital sa Bigaa, Legazpi City para sa karagdagang gamutan at obserbasyon.

Pinuri ni Chief PNP, Police General Jose Melencio C. Nartatez Jr., ang mabilis na pagresponde at malasakit na ipinamalas ni PMSG Burzon.

“Hindi lang ito kwento ng panganganak, kundi kwento ito ng malasakit at tunay na serbisyo. Ipinakita ni PMSG Burzon ang puso ng pagiging pulis: handang tumulong, handang magligtas, at handang kumilos kahit anong oras,” ani PGen Nartatez Jr.

Dagdag pa ni Chief PNP, PGEN Nartatez Jr., ang insidenteng ito ay patunay na ang serbisyo ng pulisya ay hindi lamang nakatuon sa pagpapatupad ng batas kundi pati sa pag-aaruga sa buhay ng mamamayan.

“Sa bawat pagkakataong may buhay na naliligtas, mas lalo nating pinatutunayan na ang PNP ay hindi lang tagapagpatupad ng batas—katuwang din tayo ng bawat Pilipino sa oras ng pangangailangan,” aniya.

Binigyang-diin ng PNP na ang ganitong uri ng pagtugon ay sumasalamin sa patuloy na pagsusumikap ng organisasyon na maging mas makatao, mas mabilis umaksyon, at mas malapit sa publiko.

Sa pagtatapos, muling iginiit ng PNP ang paninindigan nitong maghatid ng serbisyong may malasakit at may tunay na epekto sa buhay ng mga Pilipino—“Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat at Nararamdaman.”

(PNP-PIO)

Minsan may nag-inquire po samin if namumunga daw po ba ang tinitinda namin.. Gusto ko sana mapikon, pero nrealize ko, sg...
31/08/2023

Minsan may nag-inquire po samin if namumunga daw po ba ang tinitinda namin..
Gusto ko sana mapikon, pero nrealize ko, sgro nascam na to!!! Hehe..
Madami pa din kc ang nanloloko, makabenta lang..

Sa Corrines Garden sure po kau na legit na legit at namumunga’ at sure na quality!!!

Isang puno pa lang yan😅

30/11/2022

2k Budded Calamansi
For Delivery🥰
Batangas to Mindoro

‼️Thank you for choosing Corrines Garden‼️

✅For your Orders and Inquiries you can call us to
this numbers
📞 09369921730/ 09284544193

✅📍You can visit our Plant Nursery (Corrine’s
Garden) located at Brgy. Aya, Talisay Batangas
(at the back of Trimer Gunstore)

Sa mga nagtatanong po if Grafted po ba ang Lanzones naten’ YES‼️NA YES‼️po….Not only our lanzones lahat po ng binebenta ...
30/11/2022

Sa mga nagtatanong po if Grafted po ba ang Lanzones naten’

YES‼️NA YES‼️po….
Not only our lanzones lahat po ng binebenta nten na fruit bearing trees ay grafted, sa calamansi nman po ay Budded🥰

Only at Corrine’s Garden Talisay, Batangas

GRAFTING LANZONES

How to Graft Lanzones

30/11/2022

Another Batch of DAVAO LANZONES
THank you RDL Farm🥰

Seed Plot (LANZONES)
16/11/2022

Seed Plot (LANZONES)

Watch, follow, and discover more trending content.

Grafted Lanzones
16/11/2022

Grafted Lanzones



This is how we produced GRAFTED LANZONES
16/11/2022

This is how we produced GRAFTED LANZONES

This is how we produce Grafted Lanzones

Deseed Lanzones
16/11/2022

Deseed Lanzones

Deseeded Lanzones

HOW TO PRODUCE GRAFTED LANZONES
16/11/2022

HOW TO PRODUCE GRAFTED LANZONES

Address

Talisay

Telephone

+639284544193

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Corrine’s Garden Talisay, Batangas posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share