17/05/2026
Indeed π
Pero depende yan. Ang dami ng oxygen na nalilikha ng mga halaman ay nakadepende sa ibaβt ibang factors tulad ng sikat ng araw, available water, temperature, plant species, age and size of leaves, kalusugan ng halaman, oras, at marami pang iba.
Halimbawa, kapag maraming liwanag, mas aktibo ang photosynthesis, kaya posibleng mas maraming oxygen ang nalilikha. Kailangan din ng halaman ng sapat na tubig para makapag-photosynthesis nang maayos.
Sa temperatura naman, tandaan na may tamang init lang kung saan pinakamaganda ang takbo ng photosynthesis, at kapag sobrang init o lamig, bumabagal ito (in general).
At yung mga factors na yan ay depende pa sa uri o species ng halaman, dami at laki ng dahon. May mga halamang mas mabilis mag-photosynthesis kaysa iba.
Ang photosynthesis ay hindi tuloy-tuloy buong araw, nakadepende ito sa liwanag. Kapag sapat ang sikat ng araw, generally mas aktibo ang photosynthesis. Kapag gabi o kulang ang liwanag, depende sa species, bumabagal o halos tumitigil ito (generally).
Pero, in general, mas maraming puno mas maraming magbibigay sa atin ng oxygen. Kaya mas paramihin natin at huwag natin silang pabayaan.