24/09/2026
May mga araw talaga na parang ang bigat-bigat ng lahat. Kahit wala namang isang malaking problema, sabay-sabay lang yung pagod, pressure, disappointment, at mga bagay na hindi natin kayang kontrolin. Nakakadrain. Nakaka-frustrate. Minsan, mapapatanong ka na lang, “Kailan ba magiging okay ang lahat?”
Pero maybe, hindi naman natin kailangang pilitin maging okay agad.
Sometimes, okay lang na mag-pause. Huminga. Magpahinga kahit sandali. Hindi ka mahina dahil napagod ka. Hindi ibig sabihin na sumusuko ka dahil kailangan mong mag-rest. Tao ka lang, and you’re allowed to have days when you simply don’t have the energy to keep going.
Pahinga ka. Ayusin mo muna sarili mo. Give yourself the same patience and understanding na binibigay mo sa ibang tao.
Then, kapag kaya mo na ulit, continue.
One step at a time. Kahit mabagal, okay lang. Hindi naman race ang buhay. Ang mahalaga, hindi mo tuluyang nakakalimutan ang sarili mo habang sinusubukan mong ayusin ang lahat.
Because life won’t always feel this heavy.
May mga araw ding gagaan. May mga bagay na eventually magiging clear. May mga pangarap na matutupad sa tamang panahon. At someday, babalikan mo yung version mo na sobrang pagod at sasabihin mong,
“Kinaya ko pala. Buti na lang, nagpahinga lang ako—hindi ako sumuko.” 🤍
✍🏻 UnsxxD
゚
#𝗟𝗶𝗳𝗲𝗜𝘀𝗕𝗲𝗮𝘂𝘁𝗶𝗳𝘂𝗹